Drowning in strawberry syrup

Thursday, November 09, 2006

Nasayang

Nagising ako kaninang umaga ng mga 5 am. Ang sakit kasi ng tiyan ko. Ang ginawa ko, nahiga ako ng nakadapa, tapos yung hotdog pillow nasa ilalim ng tiyan ko. Gumana naman. Medyo nawala. Tsaka medyo nakakatulog ako.


Pero paminsan-minsan gumagalaw ako, so babalik yung sakit. Ang nangyari, nakatulog ako mga 5:30-6 na.


Ginising ako ni Papa ng mga 7. May mga tinanong sa akin concerning yung hotel thing namin, etc etc. So syempre nung magising ako, naramdaman ko nanaman yung sakit. Edi kinakausap ako, burp ako ng burp. Sabi ni papa baka raw kasi nakatapat sa akin yung electic fan, kaya puro hanging tiyan ko. Tingin ko rin.


Sinabi rin niya na baka kasi wala ako sa oras kumain. Pinagpilitan ko na lang yung electric fan, para hindi niya malaman na hindi ako nag-breakfast for the past week, tapos hindi on time yung lunch and dinner ko.


So umalis na silang apat nila mama, Christine, at Christopher para pumasok, at ako naman ay kumain ng breakfast. Pocha, masarap ang agahan. Hindi ko alam kung may specific na tawag dun ang katulong namin, basta masarap siya. Request ko ito lagi sa bahay for siguro four years na. So edi kain naman ako.


After kumain, toothbrush. Pocha, nung nagmumumog na ako, naramdaman ko na parang masusuka ata ako. Edi pinigilan ko, pero tumambay ako sa CR kasi baka sakaling masuka ako, at ayoko naman maglinis pa ng suka.


Mamaya-maya akala ko may lalabas na, pero wala. Burp lang. Tapos poooootah. Ayun na. Nasuka ako. Tangina. Lahat ng kinain ko nawala. Sayang ang napakasarap kong agahan. Leche.


Ayun lang. Share. Magandang umaga! Lalo na sa mga nagbabasa nito habang kumakain, kung meron man. Enjoy your meals!


Sha sha... Mag-aayos na ako ng gamit. Babooooosh!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home