Drowning in strawberry syrup

Tuesday, April 11, 2006

How hard it is to find good friends...

It's sooooo hard to find good friends these days. *sigh*

Yeah. It's like this. What would you feel if it's your kabarkada's birthday and you weren't even invited to her party? It's not just that you weren't invited, but how would you feel if you learned that that friend has invited the friend of one of your friends but not you? And that's not all... You only learn about the party because one of your other kabarkadas asks you about the party because even she wasn't invited.

Itago na natin sa pangalan na Muriel yung celebrant, at sa pangalang Ella naman yung kaisa-isa sa barkada na inimbita. Si Marie yung kabarkadang nagtanong, at si Nicole naman yung isa pang kabarkada na di namin gaanong nakakausap.

Uhuh... There are five of us in the barkada (Left here in the Philippines, of course), and how many of us get invited to the party? One. How many were even informed of the party? One. How many paople attended the party in general? A lot.

Come on... what the hell is that? Ganyanan na ngayon? And who the hell knew the celebrant far longer and far better than any others invited to the party? I did.

Syempre diba... Malaman mong meron palang party tapos wala man lang sinabi sa iyo... Masasaktan ka. Alam kong madalas lumabas yung dalawang yun (sila Muriel at Ella) kasi magkalapit lang ang bahay niya. Isang sakay lang ng trike pwede na silang magkita. Alam mo rin na sobrang dali nilang magkasundo kasi pareho silang malalandi at maaarte, pero tinatanggap mo naman ang pagkatao nilang iyon.

Masakit na yung malaman mong isa lang sa barkada ang imbitado, pero yung malaman mo na pati kapatid ng kabarkada at ang kaibigan ng kapatid ng kabarkadang iyon... Sumosobra na sila.

Magsama silang malalandi. (Bitter ba masyado?)

Sa totoo lang... Parang sa paningin ko ibang iba na sila. Kung baga ay hindi ko na sila ma-recognize. Masyado na silang nagbago, kaya ang pakiramdam ko ay hindi ko na sila kilala. Madrama man ang tunog, strangers na sila sa paningin ko. Hindi na sila yung mga naging kabarkada ko noong 1st year high school.

Haaaaaay nako, Muriel. Ewan ko sa iyo... Paano na yung mga pinagdaanan natin nung limang taon na magkasama tayo noong gradeschool? Paano na ang mga pinagsamahan natin noong high school?

Ito namang si Ella... Naiintindihan ko ang kaartehan mo dahil dakila ka na ngang kikay, pero iba pa rin ang dating mo ngayon.

Hmph... Buti na lang sinabi sa akin ito ni Marie dahil nakita niya ito sa multiply ni Ella. Si Nicole... Ewan ko ba kung alam niya na ba. Tatanungin ko if ever mag-online siya mamaya... Hay nako...

Moving on to lighter things... It's so hot today! Dammit, I'm using two electric fans, one to cool the pc and one to cool me. But guess what? Even the air that the fans are blowing are hot! Hot, dammit!

2 Comments:

  • At 2:45 PM, Anonymous Anonymous said…

    bat ganun? ako nga na nagkakandarapa na makita ko kayo muli na makasama ko kayo... na hindi ko na maisipan kung ano ang gagawin ko kapag nagkita na kayo... basta... lunukin nalang natin yun. ganon talaga eh. usap nalang kayo.. libre naman diba? :]

    just dont give up on something she did...ang dami niyong pinagsamahan na hihinto lang dahil sa isang pakakamaling inbitasyon... sana meron siya talagang magandang reason dun. talk to her :]

     
  • At 2:48 PM, Blogger berries 'n cream said…

    Ayaw... Hehehe. Di ako magaling sa mga confrontations na ganito. Tsaka di pa kami nag-aaway ni Ma- I mean, Muriel. Once lang.

     

Post a Comment

<< Home